Isa itong mahabang entry.
Dec. 22.
Hindi ko tuloy alam kung babatiin ko siya o hindi. Ang weird kasi ng pakiramdam ko. Una, ininvite niya ako sa bahay niya. Actually, hindi siya ang nag-invite sa akin. Kung hindi, si Tita Susan (mom niya). Sinabi niya sa akin na wala naman talagang party, ako lang daw ang invited.
Nakatulala lang ako dito sa pc ko hanggang sa sumapit ang 12am. Naramdaman ko tuloy na kailangan ko siyang batiin. Ewan ko kung bakit. Natawa tuloy ako sa sarili ko. Since Dec 23 na, naalala kong wala pala akong load; ung smart ko, ung kay mama, ung sa pinsan ko, at sa mga kapatid ko ay wala ring mga load. Natulog na lang ako. Hindi ko rin siya tinawagan sa bahay, ang sama ko talaga. Haha.
Dec 23.
Thrice nagtext si Joan sa akin na doon na raw ako magdinner sa kanila. Hindi ko pa rin sinasagot. Feeling ko kasi kailangan hindi ako magreply. Kailangan, pumunta lang ako. Bago pa man ako umalis, humingi ako ng pamasahe sa nanay ko. Ang sabi pa naman ganito, “Oh, pag-uwi mo bukas, bumili ka ng food para sa atin sa pasko.” (Akalain mo nga naman)
Umalis ako ng bahay around 5pm para pumunta sa SM Bicutan para isoli ung nirent sa video city. And since, sobrang traffic at 6pm ako pinapapunta, naghanap muna ako ng matinong regalo. Siya kasi ‘yung tipo ng taong mahirap regaluhan. Hindi siya mahilig sa mga keychains, cute na bagay, stuff toys, at parang lahat na. 6pm na – sa sucat pa ang punta ko.
Chocolate na lang. Hindi man long-lasting pero at least, magugustuhan niya. Bumili ako ng isang malaking bar ng Toblerone. Wala ng balot balot. Wala ng ribbon ribbon. Haha. Si Joan naman un eh.
Dumating na ako sa bahay nila ng mga around 7pm. Sinalubong ako ni kuya Robin, pinagalitan niya ako kasi hindi ako nagrreply. Hinug niya ako at pinapasok na lang sa bahay.
Nagulat ako! Andaming tao. Wahaha. Nandun ang mga dati naming classmate nung high school sila Joray, Mykes, Doris, Jomar at Karen. Nakita na rin ako ni Tita Susan, hinug niya ako at sinabi niyang namiss ako. “For almost 1 year, hindi ka nagpapakita sa amin! Namiss tuloy kita!”
Tinanong ko tuloy kung nasaan si Joan. Pinalo ba naman ako. Ang sakit kaya. “Nandun sa kwarto! Nagmumukmok. Hinahanap ka. Kanina pa tawag ng tawag un sa bahay niyo”
Grabe, hindi ko akalaing ganun ‘yung magiging reaction niya. All this time na inaway-away niya ako, hindi na niya ako pinapansin, na feeling ko parang nagbago na siya at lahat na.. haay. Pinuntahan ko siya sa kwarto niya. Aba, eh saktong pagbukas ko ng pinto, siya ung nasa likod. Umiyak tuloy siya. Sinampal muna niya ako tapos hinug (hindi ako nakahinga sa sobrang higpit).
Joan: “Bakit ngayong ka lang!”
Suzie: “Traffic eh. Saka naghanap pa ako ng regalo mo”
Joan: “Eh ba’t hindi ka nagrereply”
Suzie: “Buong angkan namin, walang load eh”
Joan: “Gift ko?”
Suzie: “Eto Toblerone. Yan lang kaya ko eh.” //May pause.
Suzie: “Ba’t mo nga pala ako sinampal ha?”
Joan: “Dahil may kasalanan ka sa akin!”
Suzie: “Ako pa may kasalanan? Pagkatapos mo akong awayin?”
Joan: “May nakalimutan ka kasi!”
Suzie: “Ano?”
Joan: “Hindi mo pa ako binabati! Hmppf.” //Nabreak ung hug. Haha.
Suzie: “Sorry. Confi ko, happy birthday.” //sabay kiss at hug ulit.
Joan: “Ayaw.” //nabreak na naman ang hug.
Suzie: “Bakit nanaman?”
Joan: “Namiss ko ‘yung tawag mo tuwing birthday ko eh.” //may pause.
Joan: “Bakit hindi mo ako tinawagan? Yearly mo un ginagawa diba? Asan na?”
Joan: “Ever since, highschool.. at kahit nasaang lupalop ka pa ng mundo, tumatawag ka”
Joan: “Confi ko, Asan na?”
Ewan ko. Nakalimutan ko ba talaga? Naalala ko tuloy nung high school, napagkamalang kami. Kasi lagi ko yang hinahatid pauwi tapos para daw kaming may glue sa katawan kasi hindi kami naghihiwalay. Haha. Haay. (Hindi ko nakalimutan. Buong gabi ko ngang pinag-iisipan eh.)
Tuloy ang buhay. Buong damag lang kaming nagdramahan. Ngayon alam ko na kung bakit feeling ko, nag-iba siya. Kung bakit ganito ung feeling ko. Haha. Alam ko na lahat. =)
Tata and Sheshe, salamat! =)
Merry Christmas sa lahat.ü
Recent Comments